Monday, December 8, 2008

bogaloid

iba tlga pag umatake si love..

mas mabangis pa sa lion. matindi pa sa mga sapok ni pacman. mas masakit pa sa kagat ng 1000 na malalaking langgam. mas mabigat pa sa elepante . mas nakakaiyak pa kesa sa MMK.

pero pag naman maamo si love..

mas nakakahigh kesa sa shabu. mas nakakatuwa kesa kay chaplin. mas matamis pa kesa sa pulang asukal. mas mainit pa kesa sa kumukulong lava. at mas masarap pa ang feeling nun kesa sa ecstasy.

kaya naman di ko din masisi yung mga taong nahuhumaling jan eh..

minsan kasi .. nagmumuka ka ng bogaloids sa pagmamahal eh..

parang ako..

di ko inisip na mapupunta ako sa ganun sitwashon.. first time in my history, na magmuka akong tanga dahil jan..

noon.. di ko maintindihan bakit ganun yung mga tao.. pinapahirapan yung mga sarili sa pagmamahal sa mga tao na hindi naman sila kayang mahalin.

bakit di mo nalang ituon yung sarili sa mga taong nanjan , nakabukas yung kung anun mang nakabukas sa knila , at hinihintay kang mahalin mo din sila. di ka pa mahihirapan.

ngayun ko tlgang napatunayan na sa pagibig... walang matalino o bobo..

bogaloids lang. lahat bogaloids.

lahat nagiging bogaloids pag niyari na ni kupido. wala nang nakakapalag.

kahit si einstein di magagamit yung theory of relativity nya.. di yun uubra.. walang sulushon dun eh..

di mo naman pwedeng sabihin na wag ka nalang mag mahal..

parang ako. ayokong magmahal kasi ayoko maging bogaloids. pero anu nangyari. nagmahal.. sa di inaasahang pagkakataon.. at sa di inaasahang tao pa.

cguro ang maganda jan.. tanggapin.. tanggapin mo nalang.. the more na pumapalag ka kasi , the more na mas mahihirapan ka lang. ienjoy mo nalang yung masarap na kiliting nararamdaman mo kapag inlove ka.. now kapag nibusted ka na nya.. life goes on.. iyak, tagay, hithit , tulog, lamon o kung anu man na mag papasaya sayu. pero dapat limited time lang. di lang naman kasi sha ang tao sa mundo.

damn. ang galing ko tlga magsalita.. samantalang ako.. ayun feeling feelingan na ok na.. ansaya saya ko na..

yun pala hindi pa..

wag nyo kong sisihin.. kasi di ko din naman alam..

kagabi ko lang din nalaman.. mahal ko pa din sha.

sobra.

kaso lang di tlga pede.. di naman kasi pwedeng na ako lang yung may mahal sa knya..

mabenta sa mga fiction stories na ginagawa ko ang one-sided love.. pero sa totoong buhay di pwedeng mag work out yun..

ang pagmamahal.. laging two way.

di ako yung tipong ipagsisiksikan yung sarili sa isang elevator na puno na. kung ayaw nya saken.... shempre hindi ok yun.. pero wala akong magagawa tanggap na lang..

after all its subjective.. nasasayu yun.. ikaw nag mahal natural, ikaw din ang masasaktan.