Monday, December 1, 2008

si dunhill

"kumusta ka naman?? " yan lagi ang tanong nila saken. at eto naman ang lagi kong sagot

"ayus lang. sakto lang". sabay sibat.

nagtataka ako noon kung bakit tinatanong nila ako.. kahit na. alam naman nila at obvious na obvious naman na hindi ako ok nung mga panahong yun.

pero sa totoo lang, alam ko yung sagot dyan.. trip lang tlgA ng utak ko magtaka .

nadepress ako.

yup. mahirap aminin.. pero yun yung totoo. nadepress ako.

mahiwalay ka sa taong super mahal mo..hindi ka ba malulungkot?. isama mo na din yung mga taong abnormal na nakapaligid sayu.. sinu ba namang hindi mapaparanoid.

aaminin ko mejo matindi ako magdrama. tumatagal ako ng isang buwan pedeng isang taon. at ang pinakamahaba 2 taon hahaha.

so ayun.. dahil depressed ang lola nyo.. one time.. naisipan kong lumabas ng hindi alam kung san pupunta. naglakad ako.. ng deretcho.. at literal na derecho yun. habang naglalakad ako nagiisip ako kung anu ba yung pwedeng gawin para naman malibang ko yung sarili ko..

at .. biglang umulan.. wala kong makitang pwedeng pag silungan kaya tumayu nalang ako sa gilid. at hindi ko naman nieexpect na malamig pala . so ayun. para akong basang sisiw na nilalamig sa tabi ng daan. pinagtitinginan ako ng mga tambay dun pero wala ako sa mood tumingin sa knila. masarap yatang maligo sa ulan. yun nga lang nung time na yun nakatayu lang ako sa tabi ng ministop.

nung hindi nako makatiis pumasok ako sa loob at dun ko nakita ang dati kong bestfriend.. na ngayun best friend ko na ulit.. si dunhill frost.

shempre sa sobrang miss ko sa knya sinibat ko na. at dun nagsimula ang bonding moment namin ulet.

so ngayun.. sa tuwing wala akong magawa. which is 2/3 ng aking oras. nagbobonding kami ni bestfriend.

di kami madrama pag nagbobonding. tamang chill lang tlga. minsan naglalakad kami.. tapos tumitigil sa kung saan dadalhin ng mga magaganda kong paa.

uupo. tapos hahamunin ko ng titigan yung usok ni bestfriend.

madami din akong nakilalang tao nung mga panahong yun. yung tipong.. di mo kakilala pero ansarap kausapin kasi feeling ko pag sinabi mo sa knya yung problema ko... safe yun kasi outside sha ng universe ko.


nakakapagisip ako kapag kasama ko si best friend.. ngayun naisip ko kung ganu ka vain yung pagiging depressed ko.. well dont get me wrong.. hindi ako nagsisisi na minahal ko yung mga taong yun.. nagsisisi ako kung bakit ako nadepress. when alam ko naman na dun din naman sa sitwashon nayun ako babagsak.

sa mga panahong din yun ,dun ko mas lalong na feel na .. tlgang hamak na tao lang tlga ko..
frail.. nagkakamali... napaparanoid.. umiiyak.. nalulungkot .. nadedepress.. pumapasok sa isang bagay kahit na alam na mali.. nagsisisi sa huli kahit na alam naman nya kahit nung umpisa palang na ganun tlga ang pupuntahan nun. yung mga ganun?

nung mga panahon na kasama ko si bestfriend,naisip ko rin na.. well.. ganun tlga ang buhay. wala kang choice kundi tanggapin yun.. kasi tapos na ang panahon ng pamimili.. namili ka na dati eh. meron kang chance na pumili nung umpisa at ayan na yung karugtong nun.



"mapapawhatever" ka nalang sa bandang huli. alam ko din naman kasi.. na darating yung araw na tatawanan mo nalang din yung mga nangyaring yun.

then sasabihin mo sa sarili mo. "nyahahaha damn ang engot ko pala noon. buti nalang alam ko na ngayun."

1 comment:

Anonymous said...

Ang problema sa buhay ay hindi lalayong mawawala...tunay na kasama yan sa mga crus na ibinigay ng Diyos. Panigurado naman ako na alam mo na hindi tayo bibigyan ng Panginoon ng kahit ano mangproblema na hindi natin kakayanin.

Malay mo sa huli, ito'y makakatulong din sa pag-buo ng iyong pagka-tao...(alam mo na rin yan; sinabi mo rin ito)

Nakikita ko naman na ika'y isang mabuting tao sa 6 na buwan tayo'y magkasama. Nakikita ko rin na may pinagdadaanan ka ng maraming bagay na hindi ko naiintindihan o alam....basta masasabi ko lamang na alam mo naman kung hanggang saan ka at alam mo rin na nandito lang kami sa iyong tabi...titingin ka lang sa likod mo :)...

Ako'y titigil na dito..pagkat ako dinudigo na...pero seryoso...wabshoo :)